Sigaw!

In: Personal Stuff|Point of View

1 Sep 2009

Pagod. Masakit ang katawan. Puno ang isipan. Nagugulumihanan. May pangamba sa kalooban.

Sa pagkakataong ito iyan ang aking nararamdaman. Nais ng magpahinga ngunit may mga tungkulin kailangan gampanan.

Sa bawat araw ng ating paglalakbay sa landas ng buhay, iba-ibang bagay ang ating nararanasan. May mga taong dumarating sa ating, meron naman nagpapaalam. May pangyayaring pilit nating tinatalikuran. May mga problemang nais nating solusyonan.

Minsan tayo’y lumulukso sa tuwa, minsan nama’y lumuluha ang mata sa dinaramdam. Minsan labis tayong mapang-unawa. Minsa’y naiinis na lang basta. May mga pagkakataong ni hindi natin kayang magalit. Meron din namang konting labis tayong naiinip.

Labis tayong nag-aalala sa iba. Sobra-sobra ating pag-aalaga. Kahit di natin alam kung tayo’y may mapapala basta ang nais nati’y kaligayahan ng iba. Walang pumipilit, ginagawa natin itong kusa.

Sadya nga yatang magulo ang aking isipan. Ang sulating ito, di rin alam ang patutunguhan.  Di rin matanto kung ano ba talaga ang nais ipaalam.

Marahil nga lahat ng tao’y dumaraan sa ganitong kalagayan. Nawa ako’y maunwaan at sana’y may makarinig sa tahimik na sigaw ng aking kalooban.

Did you like this? Share it:

1 Response to Sigaw!

Avatar

alvin

September 1st, 2009 at 23:42

wow..nice mam…galing….hehehehhe..parehas tayo ngayun ako din eh..kakapagod…

Comment Form

About this blog

An expression... a thought... a joy... a pain... a point of view... a shout... a whisper... an experience... an adventure.. a LIFE of a high spirited girl named Bhee :)

Ads

Check this out

  • carmela: I need a nbi renewal form? can you pls help me where can I print.. thanks indeed. [...]
  • Bhee: Hi Ligaya, The other guy is the driver. The other one is the guy who withdraws in the ATM. [...]
  • Ligaya: Hi Rubie, Thanks for sharing. It's exactly the same experience as mine; I hope you can check my Face [...]
  • aiko: kailangan pa ba ng n.s.o birth cert.? para makakuha ng n.b.i clearance? kahit meron naman mga valid [...]
  • Melai: naku girl, yan din ang naging problema ko sa pamangkin ko, hiningan nila ako ng baptismal certificat [...]

Like Image Savvy on Facebook

Ads

Mozilla Philippines Community